Melchor B. Villafañe

Noong unang panahon, pangit pa ang lahat ng tao hindi man kaaya aya ang kanilang mga itsura, ngunit ito ay karaniwan lamang sa kanila sapagkat lumaki silang di na kaaya aya ang mga mukhang nakikita nila. Isang araw may isang binatang nangangaso sa kalapit na kagubatan. Walang tigil ang pagkitil nya ng buhay ng mga hayop kahit na di naman nya kailangang kainin ang lahat ng ito, lumabis na ang mga hayop na kanyang nahuli at napatay. At sa ganitong pangyayari ay nagalit ang inang kalikasan. Kung kaya’t sya ay pinarusahan. Ginawang makinis ang kanyang mukha at maaliwalas, bagay na hindi katanggap tanggap para sa mga tao noon. Namuhay syang nilalait at kinukutya dahil sa kanyang ka gwapuhan at ka kisigan. Nagtagal ang panglalait sa mga gwapo ilang milyong siglo na ang nakararaan tumagal ito bago pa dumating ang mga dinosaur sa mundo. Kaya’t naisipan ni Ungga Ingga isang kilalang pilosopo at tagapagtanggol ng mga gwapo na magsagawa ng misyon at ito ay ang pagpapalaganap ng kagwapuhan sa mundo. Bilang isang pilosopo, isinama nya sa kanyang mga aral ang tungkol sa pagiging gwapo. Di naglaon ay unti unti nang natanggap ang mga gwapo at magpasahanggang ngayon ay sila na ang mga tinitilian at kinakikiligan ng mga tao.

THE END 🙂